Sa simula’t simula pa lang, hindi ko na kinaya...
...nung unang makilala ‘yung junior guy sa freshman org assembly (still remember his white v-neck ribbed shirt and khaki pants) ...nung haranahan nya ako sa harap ng isang daang tao sa study foyer at inabutan ng peach rose na natago ko pa pala hanggang ngayon (petals still preserved in a small brown envelope after 9 years!) ...nung patago akong manood ng gigs sa Tia’s, sa ORSEM, sa Cervini Open House, sa CADS concerts, sa Music Museum (and he says he was the stalker??!!) ...nung niyaya nya akong mag-lunch sa Food for Thought at halos magkandarapa ang mga tindera na pagsilbihan kami pagkatapos tanungin ang “Toti, sya ba yung ikinukwento mo sa amin?” (all of them were watching us with wide grins on their faces!) ...nung ilang minsan na tumawag sya sa bahay pero nagpanggap akong walang panahong makipag-usap sa sobrang kaba ...nung kumanta sya sa debut ko, pero umalis agad at ikinalungkot ko ...nung marinig ang Lihim na Pag-ibig at umuwi akong ganadong sumulat ng tula ...nung magkaroon ng pagkakataong makatrabaho sa Shindig pero pinahirapan dahil sa sama ng loob na di na mabawi ang kasupladahan ...nung tinext mula sa boracay at halos lumundag ang puso ko sa natanggap na balita...
...hanggang mag-online sya sa YM pagkatapos ng maraming taong di pagkikita at pag-uusap (did we ever even talk??!!) ...at magkita sa Belissima (which entailed 5 minutes of internalization in the toilet to calm down the butterflies in my stomach!) ...hanggang mag-kape ...mag-sine ...mag-salsa ...manood ng gigs sa Temple ...at kahit hanggang ngayon na kami na (KAMI NA??!!) ...laging kasama sya, kausap, katawanan... kaharap man at kahawak ng kamay... HINDI KO PA RIN SYA KAYA!
Eh pano nga ba kakayanin ang ganitong tadhana? Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala eh. Tama bang mahulog ang loob sa isang tao, magkalimutan ng 9 na taon, tapos biglang magtagpo ulit? At magkasundo na parang matagal nang magkaibigan! Tapos kung magkaintindihan, wala nang kailangang pagpapaliwanag. Tanggap ang isa’t isa. At siguro, lahat nga ng nangyari dati, kinailangang pagdaanan para maging handa sa ngayon. Hindi ko talaga inakalang posible ‘to, ang maging maligaya at mapayapa na walang kahirap-hirap. Parang hindi ko kaya tanggapin. Pero hindi ko rin kayang hindi maniwala. Biyaya ng Diyos si Toti sa akin. Salamat, Mahal. Hulog ka ng langit.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home